I-download ang Temple Square App
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Ang mga English at American na punong elmo na ito na malapit sa Salt Lake Tabernacle at Assembly Hall ay may taas na mahigit 80 talampakan. Itinanim noong huling bahagi ng 1880s, ang mga ito ay sumasalamin sa katatagan at pagkamagiliw ng mga unang nanirahan na humubog sa lugar na ito.
Inilalarawan ng estatwang ito ang sugo ng langit, si Moroni, na naghahatid ng mga sinaunang lamina kay Joseph Smith. Ang talaan ay naglalaman ng mga turo ng mga propetang nabuhay sa sinaunang Amerika na nagpatotoo tungkol kay Jesucristo. Isinalin ni Joseph Smith ang mga lamina sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. Ito ay kilala bilang Ang Aklat ni Mormon at inaanyayahan nito ang lahat na matuto tungkol kay Cristo at mas mapalapit sa Kanya.
Tampok sa Celebration Stage ang mga nagbibigay-inspirasyong pagtatanghal na nakasentro kay Jesucristo at sa kagalakang matatagpuan sa pagsunod sa Kanya. Sa pamamagitan ng musika, sayaw, at pagkukuwento, inaanyayahan kang ipagdiwang ang pananampalataya.
Halina’t ipagdiwang ang mahimalang buhay ni Jesucristo — mula sa Kanyang pagsilang hanggang sa Kanyang ministeryo, nagbabayad-salang sakripisyo, at maluwalhating Pagkabuhay na Mag-uli — na isinasalaysay sa pamamagitan ng magandang musika ng pagsamba. Naka-project sa simboryong kisame ng Salt Lake Tabernacle, pinagsasama ng produksiyong ito ang musika, liwanag, kasaysayan, at biswal na pagkukuwento.
Tingnan si Jesucristo na inilalarawan sa 14 na imaheng inspirado ng backlit stained-glass na nagbibigay-diin sa Kanyang mga banal na katangian at ministeryo. Matatagpuan malapit sa pasukan ng Salt Lake Temple Open House Tour, ang koleksiyong ito ay nag-aalok ng magandang paglalakad o lugar ng pagkikita bago pumasok sa karanasan sa paglilibot na may tiket.
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Samahan kami para sa isang di-malilimutang karanasan mula Abril 5 hanggang Oktubre 1, 2027. Ang lahat ay malugod na tinatanggap. Ang mga reserbasyon ay inirerekomenda upang makapag-tour sa Open House ng Salt Lake Temple.