Skip to main content
Ang mga reserbasyon upang makapag-tour sa Salt Lake Temple ay magbubukas sa Martes, Setyembre 1, 2026
Salt Lake Temple

Mga Reserbasyon at Pagkuha ng Tiket para sa Pagdiriwang

Huwag magpahuli sa pagpaplano para sa makasaysayang Pagdiriwang sa Salt Lake Temple mula Abril 5 - Oktubre 1, 2027.

Event QR code ticket scanning before beginning of business conference

Mga Paglalabas ng Tiket

Habang naghahanda ang Temple Square na malugod na tanggapin ang mundo, oras na upang maghanda kang gumawa ng mga reserbasyon. Magkakaroon ng tatlong opisyal na paglalabas ng tiket sa panahon ng pagpaparehistro. Kung hindi ka makakakuha ng tiket para sa araw o oras na inaasahan mo, mas maraming tiket ang magiging available sa susunod na paglalabas.

Mga Detalye ng Reserbasyon

Malugod na tinatanggap ang lahat sa pagdiriwang. Ang mga tip na ito ay makakatulong sa mga bisita na magplano para sa 2027.

  • Salt Lake City Temple

    Ilang Tiket ang Maaaring Ipareserba sa Bawat Pagkakataon?

    Ang bawat bisita ay maaaring magpareserba ng hanggang anim na tiket sa bawat window ng paglalabas ng tiket.

  • Family on Temple Square: Looking at Statue

    Simula sa Set. 1, 2026

    Pagkuha ng Tiket para sa Grupo

    Kung kinakailangan mo ng mga tiket para sa mga grupong mas malaki sa 6 (mga reunion ng pamilya, grupo sa simbahan, atbp.), isumite ang form simula sa Set. 1, 2026.

  • Pictures taken during the 187th Semi-Annual General Conference. Young women smile and stand outside the Conference Center on a raining October morning.

    Mayroon ba Talagang Magtse-check ng Aking Tiket?

    Oo. Isa-scan namin ang bawat tiket pagdating Salt Lake Temple Open House Tour.

  • Temple Square Visitors' Center: Christus Statue

    Pupunta Nang Walang Reserbasyon?

    Pagdating mo, maghanap ng katulong upang makakuha ng limitadong bilang ng mga stand-by na tiket para sa susunod na available window.

Available sa Bawat Tour

Mga Akomodasyon sa Tour

Ang mga sumusunod na akomodasyon ay available sa bawat tour upang matulungan ang mga bisita na magkaroon ng komportable at makabuluhang karanasan. Mangyaring ipaalam sa iyong host kung ikaw o ang sinuman sa iyong grupo ay makikinabang sa alinman sa mga sumusunod na akomodasyon.

Suporta sa Wika

Ang tulong sa wika at mga naisaling materyal ay available upang tulungan ang mga bisitang lumahok sa tour.

Mahina ang Pandinig

May mga opsiyon na tulong sa pakikinig at iba pang mga akomodasyon na available upang suportahan ang mga bisitang mahina ang pandinig.

Limitadong Kakayahang Kumilos

Ang mga madaling iakses na ruta at mobility accomodation ay available para sa mga bisitang nangangailangan ng mga rutang walang hagdan.

Mga Batang Musmos

Ang mga audio tour na accommodation ay available upang masuportahan ang mga pangangailangan at kaginhawahan ng mga batang bisita.

Isang Karanasan para sa Lahat

Mga Espesyal na Tour

Ang mga espesyal na tour ay available para sa mga bisitang may mga partikular na pangangailangan sa aksesibilidad. Kung ikaw o ang sinuman sa iyong grupo ay makikinabang sa isa sa mga tour na ito, mangyaring sumangguni sa iskedyul sa ibaba para sa mga available na petsa at oras. Ang tatlong uri ng espesyal na tour na ito ay available mula Mayo hanggang Setyembre.

Two young women walk on the grounds of the temple. They are using sign language together.
Walking Out of the Temple
Family life

Mga Bagay na Madalas Itanong

Magplano para sa Pagdiriwang

Ang mga reserbasyon ay magiging available simula sa Set. 1, 2026. Nasasabik na kaming malugod na tanggapin ka sa Temple Square sa panahon ng Pagdiriwang sa Salt Lake Temple.

  • Ano ang iskedyul para sa mga Open House Tour?

    Ang mga tour ay available araw-araw, Abril 5–Oktubre 1, 2027, at nakaiskedyul mula 8:40 a.m. hanggang 8:00 p.m.

  • Wala akong makitang mga available na tiket. Ano ang dapat kong gawin?

    Mangyaring itsek muli mamaya. Maaaring maging available ang mga tiket kapag binago o ibinalik ng mga bisita ang kanilang mga reserbasyon. Maaari mo ring abangan ang susunod na paglalabas ng tiket, kung kailan may mga karagdagang reserbasyon na idaragdag. Maaaring maging available ang mga walk-in na tiket nang first-come, first-served.

  • Paano kung kinakailangan kong baguhin o ibalik ang aking tiket?

    Maaari mong ibalik o baguhin ang iyong reserbasyon sa ticketing system. Kung alam mong hindi mo magagamit ang iyong mga tiket, mangyaring ibalik ang mga ito upang magkaroon ng pagkakataon ang ibang mga bisita na dumalo.

  • Maaari bang sumama ang mga bata sa tour?

    Oo! Ang isang espesyal na bersiyong pambata ng audio tour ay magiging available upang matulungan ang mga nakababatang bisita na maunawaan ang karanasan at masiyahan.

Salt Lake Temple

Tumulong na Malugod na Tanggapin ang Mundo

Ang Pagdiriwang sa Salt Lake Temple ay isang paanyaya para sa lahat ng anak ng Diyos na magalak kay Jesucristo. Umaasa kami na madarama ng bawat bisita na sila ay malugod na tinatanggap, inaalala, at kabilang. Habang nagpapareserba ka ng mga tiket, mangyaring piliin lamang ang bilang ng mga tiket na kinakailangan mo at ibalik ang mga tiket na hindi mo na magagamit. Ang simpleng pagsasaalang-alang na ito ay nakakatulong na lumikha ng pagkakataon para sa iba na maranasan ang Salt Lake Temple.