Skip to main content
Ang mga reserbasyon upang makapag-tour sa Salt Lake Temple ay magbubukas sa Martes, Setyembre 1, 2026
A mother and her two children are using a laptop computer in their home. They are looking at the screen.

Sumama sa Pagdiriwang mula Saanman

Ang Pagdiriwang sa Salt Lake Temple ay umaabot nang lampas pa sa Temple Square. Sa pamamagitan ng mga virtual na tour, pelikula, brodkast, at online na kaganapan, maaari kang matuto tungkol sa mga templo at magalak kay Jesucristo saan ka man naroroon. Malapit Na.

Darating sa Abril 2027

Mga Salt Lake Temple Virtual Tour

Simula sa Abril 5, 2027, maaaring maranasan ng mga bisita sa buong mundo ang Salt Lake Temple online sa pamamagitan ng dalawang opsiyon sa virtual tour: isang guided tour at isang self-guided discovery tour. Ang mataas na kalidad na video at pandaigdigang produksiyon ay lumilikha ng karanasang parang nasa loob ka ng Salt Lake Temple.

  • SLTC - Online Guided Tour Composite Image

    Malapit Na

    Guided Virtual Tour

    Sundan ang isang pasalaysay at sinematikong tour sa Salt Lake Temple. Ang guided tour na ito ay katulad ng mararanasan sa personal na Open House Tour.

  • SLTC - Self-Discovery Tour Mockup

    Malapit Na

    Virtual Discovery Tour

    Galugarin ang templo sa sarili mong bilis. Piliin ang mga silid at detalyeng interesante sa iyo para sa isang malalimang pagtingin sa arkitektura, mga espasyo, renobasyon, at sagradong layunin ng templo.

Mga Pelikulang Nilikha para sa Pagdiriwang

Manood ng mga nagbibigay-inspirasyong pelikula na nag-aalok ng mga kakaibang pananaw tungkol sa mga templo at sa kanilang layunin bilang mga bahay ng Panginoon.

  • Salt Lake Temple Tour

    Available Simula sa Oktubre 4, 2026

    Dedicate Video Series

    Isang seryeng may anim na episode na nagtatampok ng mga young adult mula sa iba’t ibang bansa habang ginagalugad nila kung ano ang itinuturo ng mga templo tungkol kay Jesucristo, sa plano ng Diyos, at sa mga sagradong tipan.

  • A crane lifts Angel Moroni to place it on top of the Salt Lake Temple during construction on April 2, 2024. A ceremony was held to celebrate the historic event.

    Available Simula sa Abril 2027

    Unshaken [Hindi Natitinag]

    Silipin ang likod ng mga eksena ng renobasyon ng Salt Lake Temple at tingnan kung paano nakatulong ang inhinyeriya, sining, at pananampalataya upang mapangalagaan ang sagradong bahay na ito ng Panginoon.

  • Temple

    Available sa Abril 2027

    Mga Tanglaw ng Pag-asa

    Panoorin ang mga templo sa buong mundo sa isang magandang pelikula tungkol sa kapayapaan, pag-asa, at pangakong iniaalok ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang mga banal na bahay.

Sister missionaries in coats standing by and pointing to the East Gate Temple Square plaque, on Temple Square wall in Salt Lake City, Utah. (vert)

Mga Pandaigdigang Kaganapan sa Pagdiriwang

Ang mga espesyal na pandaigdigang brodkast ay nag-aanyaya sa mga bata, kabataan, at young adult na matuto tungkol sa mga templo at mapalapit kay Jesucristo sa panahon ng Pagdiriwang.

  • Youth

    Pandaigdigang Talakayan para sa mga Kabataan

    Isang brodkast tungkol sa mga templo at kung paano nito matutulungan ang mga kabataan na mapalapit kay Jesucristo. Iaanunsiyo ang petsa sa 2027

  • A young adult woman is smiling, standing in front of a colorful mural

    Pandaigdigang Debosyonal para sa mga Young Adult

    Isang debosyonal na nakatuon sa mga templo at sa mga pagpapalang hatid ng mga ito. Iaanunsiyo ang petsa sa 2027

  • 2025 Friend to Friend Broadcast (Portuguese): Susan H. Porter

    Brodkast ng Kaibigan sa Kaibigan para sa mga Bata

    Isang programa upang tulungan ang mga bata na matuto tungkol sa mga templo at madama ang pagmamahal ng Diyos. Iaanunsiyo ang petsa sa 2027

Bukas sa lahat

Itinayo para sa Lahat.

Ang remote ay hindi lamang naisipang idagdag sa huli sa pagdiriwang na ito — ito ay isang dedikasyon. Ang bawat karanasan sa pahinang ito ay idinisenyo na maging madaling maabot, hindi alintana ang kakayahang kumilos, wika, time zone, o bilis ng koneksiyon.

  • Available sa Maraming Wika

    Ang mga virtual na karanasan sa pagdiriwang ay magiging available sa maraming wika kabilang na ang American Sign Language, Cebuano, English, French, German, Japanese, Korean, Mandarin, Portuguese, Russian, Spanish, at Tagalog.

  • Ibahagi ang Pagdiriwang

    Ang mga virtual na karanasan para sa Pagdiriwang sa Salt Lake Temple ay maaaring i-enjoy nang mag-isa, bilang isang pamilya, o kasama ang mga kapitbahay. Maaaring piliin ng mga lokal na kongregasyon na magdagdag ng mga virtual na karanasan sa mga pagdiriwang sa templo ng kanilang komunidad. Paano at saan ka man lumahok, ang bawat virtual na karanasan ay makakatulong sa iyong makadama ng koneksiyon sa Pagdiriwang sa Salt Lake Temple at kay Jesucristo.

  • Ano Pagdiriwang sa Salt Lake Temple ay para sa Iyo

    Ikaw man ay bibisita sa Temple Square, sasama sa isang lokal na pagtitipon, o makikilahok online, inaanyayahan kang magalak kay Jesucristo at sa mga pagpapala ng Kanyang mga banal na bahay.

Simulan na ang pagdiriwang!

Samahan kami para sa isang di-malilimutang karanasan mula Abril 5 hanggang Oktubre 1, 2027. Ang lahat ay malugod na tinatanggap. Ang mga reserbasyon ay inirerekomenda upang makapag-tour sa Salt Lake Temple Open House.