I-download ang Temple Square App
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Ang bagong ipinagawa na eskulturang ito ay naglalarawan kay Jesucristo na iniuunat ang Kanyang braso nang may lakas at habag. Inspirado ng Kanyang paanyaya na “lumapit sa akin,” ipinapakita nito ang Kanyang kahandaang tumanggap, tumulong, at magbigay ng kapayapaan sa lahat ng bumabaling sa Kanya.
Ipinapakita ng estatwang ito si Jesucristo na pasan ang Kanyang krus patungong Kalbaryo. Bagama’t naharap Siya sa pasakit at pagtanggi, tumugon Siya nang may awa at kapatawaran. Ipinapaalala nito sa atin na kusang-loob na ibinigay ni Cristo ang Kanyang buhay para sa sangkatauhan, at sa pamamagitan Niya, makakahanap tayo ng lakas, awa, at walang hanggang pag-asa.
Sa Getsemani, lumuhod si Jesucristo sa panalangin at tiniis Niya ang sakit, kalungkutan, at mga kasalanan ng mundo. Ang estatwang ito ay nagbibigay-pugay sa Kanyang gawain ng pagmamahal at nag-aanyaya ng pagninilay-nilay sa lakas, kapayapaan, at pag-asa na matatagpuan sa pamamagitan Niya.
Inilalarawan ng estatwang ito si Jesucristo pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, na inaanyayahan ang mga bata sa mga sinaunang lupain ng Amerika na lumapit sa Kanya. Isa-isa Niya silang binasbasan at ipinagdasal, na ipinapakita ang Kanyang pagmamahal sa lahat ng bata at ang kapayapaan at kagalakang matatagpuan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya.
Ang detalyadong scale model na ito ay nag-aalok ng isang pambihirang pasilip sa loob ng Salt Lake Temple. Sa isang maikling presentasyon, bumubukas ang mga dingding upang ipakita ang mga loob ng silid habang ipinapaliwanag ng pagsasalaysay at musika ang nangyayari sa mga templo at kung bakit mahalaga ang mga ito sa mga tagasunod ni Jesucristo.
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Samahan kami para sa isang di-malilimutang karanasan mula Abril 5 hanggang Oktubre 1, 2027. Ang lahat ay malugod na tinatanggap. Ang mga reserbasyon ay inirerekomenda upang makapag-tour sa Open House ng Salt Lake Temple.