I-download ang Temple Square App
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Masiyahan sa isang tahimik na sandali kasama ang isang replika ng Christus ni Thorvaldsen sa isang mapitagang pavilion kung saan tanaw ang Salt Lake Temple. Ang espasyo ay kinabibilangan ng “buhay na likhang-sining” ng buhay ng Tagapagligtas at ng isang maikling audio na presentasyong inihahandog kada 30 minuto. Ang estatwa ay nasa kanlurang pavilion ng Visitors’ Center.
Sa Getsemani, lumuhod si Jesucristo sa panalangin at tiniis Niya ang sakit, kalungkutan, at mga kasalanan ng mundo. Ang estatwang ito ay nagbibigay-pugay sa Kanyang gawain ng pagmamahal at nag-aanyaya ng pagninilay-nilay sa lakas, kapayapaan, at pag-asa na matatagpuan sa pamamagitan Niya.
Ang bagong ipinagawa na eskulturang ito ay naglalarawan kay Jesucristo na iniuunat ang Kanyang braso nang may lakas at habag. Inspirado ng Kanyang paanyaya na “lumapit sa akin,” ipinapakita nito ang Kanyang kahandaang tumanggap, tumulong, at magbigay ng kapayapaan sa lahat ng bumabaling sa Kanya.
Inilalarawan ng estatwang ito si Jesucristo na inoordenan ang Kanyang mga Apostol at binibigyan sila ng awtoridad na kumilos sa pangalan ng Diyos. Isinugo upang magturo, magpagaling, at maglingkod, ipinapakita nila kung paano humahantong ang pananampalataya kay Cristo sa makabuluhang pagkilos na patuloy na nagpapala sa mga buhay ngayon.
Inilalarawan ng estatwang ito si Jesucristo pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, na inaanyayahan ang mga bata sa mga sinaunang lupain ng Amerika na lumapit sa Kanya. Isa-isa Niya silang binasbasan at ipinagdasal, na ipinapakita ang Kanyang pagmamahal sa lahat ng bata at ang kapayapaan at kagalakang matatagpuan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya.
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Samahan kami para sa isang di-malilimutang karanasan mula Abril 5 hanggang Oktubre 1, 2027. Ang lahat ay malugod na tinatanggap. Ang mga reserbasyon ay inirerekomenda upang makapag-tour sa Salt Lake Temple Open House.