I-download ang Temple Square App
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Itinatampok ng lugar na ito ang sustainable na disenyo ng Temple Square. Ang mga halamang hindi masyadong nangangailangan ng tubig, mga bago at makasaysayang puno, kasama ang mga smart irrigation system ay tumutulong na makatipid ng milyun-milyong galon ng tubig bawat taon habang lumilikha ng isang maganda at nakakaengganyong kapaligiran.
Tampok sa Flag Plaza ang pagsasalitan ng mga watawat ng iba’t ibang mga bansa na nakaayos nang hugis-oval sa Temple Square. Ang display ay sumasalamin sa pandaigdigang paglaganap ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa iisang pananampalataya ng mga tao sa maraming bansa.
Ang inilawang display na ito sa labas ng Church Office Building ay nagpapakita ng paglitaw ng mga templo sa isang mural ng globo sa paglipas ng panahon. Ang dumaraming paglitaw ng liwanag ay sumasalamin sa pandaigdigang paglawak ng pagsamba sa templo at pananampalataya kay Jesucristo.
Tampok sa bantayog na ito ang propesiya ni Isaias tungkol sa pagtatatag ng bahay ng Panginoon sa kabundukan. Ito ay isang paalala na si Jesucristo ang nasa sentro ng templo at na ang Kanyang ebanghelyo ay nagpapala sa lahat ng bansang pumupunta upang sumamba sa Kanya.
Matatagpuan sa loob ng mga makasaysayang Beehive at Lion House, ang tindahan ng regalo na ito ay nagtatampok ng mga aklat, replika, at souvenir na may kaugnayan sa pananampalataya, kasaysayan, at pamana ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Samahan kami para sa isang di-malilimutang karanasan mula Abril 5 hanggang Oktubre 1, 2027. Ang lahat ay malugod na tinatanggap. Ang mga reserbasyon ay inirerekomenda upang makapag-tour sa Salt Lake Temple Open House.