I-download ang Temple Square App
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Ang Eagle Gate ay isa sa mga pinakakilalang landmark ng Salt Lake City. Sumasakop sa State Street malapit sa Temple Square, ang bantayog ay nag-ugat sa orihinal na tarangkahan ni Brigham Young noong 1859 at sumisimbolo sa pananampalataya, kasipagan, at determinasyon ng mga unang nanirahan sa Utah.
Tampok sa bantayog na ito ang propesiya ni Isaias tungkol sa pagtatatag ng bahay ng Panginoon sa kabundukan. Ito ay isang paalala na si Jesucristo ang nasa sentro ng templo at na ang Kanyang ebanghelyo ay nagpapala sa lahat ng bansang pumupunta upang sumamba sa Kanya.
Matatagpuan sa Flag Plaza, ang International Stage ay nagtatampok ng mga live na pagtatanghal na nagdiriwang sa pandaigdigang pamilya ng Diyos. Sa pamamagitan ng musika, sayaw, at mga kultural na tradisyon, nararanasan ng mga bisita ang kagalakan, pananampalataya, at pagkakaiba-iba na matatagpuan sa buong mundo.
Itinatampok ng lugar na ito ang sustainable na disenyo ng Temple Square. Ang mga halamang hindi masyadong nangangailangan ng tubig, mga bago at makasaysayang puno, kasama ang mga smart irrigation system ay tumutulong na makatipid ng milyun-milyong galon ng tubig bawat taon habang lumilikha ng isang maganda at nakakaengganyong kapaligiran.
Tampok sa Flag Plaza ang pagsasalitan ng mga watawat ng iba’t ibang mga bansa na nakaayos nang hugis-oval sa Temple Square. Ang display ay sumasalamin sa pandaigdigang paglaganap ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa iisang pananampalataya ng mga tao sa maraming bansa.
Available na ngayon. Ang app ay iyong gabay sa mismong lugar para sa paghahanap ng mapupuntahan, pagkuha ng tiket, mga iskedyul, at mga bagay na madalas itanong (FAQs).
Samahan kami para sa isang di-malilimutang karanasan mula Abril 5 hanggang Oktubre 1, 2027. Ang lahat ay malugod na tinatanggap. Ang mga reserbasyon ay inirerekomenda upang makapag-tour sa Salt Lake Temple Open House.